SuperLiga hahataw na
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang mga nasa probinsya na makapanood ng laro sa Philippine SuperLiga All Filipino Cup na opisyal na magsisimula ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa pulong pambalitaan kahapon na ginawa sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City na dinaluhan nina PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara, chairman Philip Ella Juico at commissoner Ian Laurel, ibinalita ng mga opisyales ang planong magsagawa ng laro sa Laguna at Cebu upang mailapit ang liga sa mga nasa malayong lugar.
“Hindi lamang puwedeng biglain dahil sa logistics pero sinisimulan na namin ang mailapit ang PSL sa mga nasa probinsya. Nais din namin sa hinaharap na magkaroon ng provincial club teams at players na maglalaro sa liga,†wika ni Suzara.
Ipinagmalaki naman ni Juico na ang liga ay patuloy ang pagsulong dahil hindi maliliit na kumpanya ang sumali sa liga.
“We’ve got a cross section of the Philippine industry from telecommunications, airline, pharmaceutical, food and petroleum. We’re not talking about small companies but companies in the Top 50 who joined the PSL to promote their products,†wika ni Juico.
Kahit ang kompetisyong magaganap ay magiging kaaya-aya dahil lahat ng pitong koponan sa kababaihan at lima sa kalalakihan ay nagpa-lakas para tumibay ang paghahangad ng titulo.
Apat sa mga ito ay sasalang ngayong hapon at unang masisilayan ang Systema at Cignal sa men’s division sa ganap na ika-2 ng hapon bago binyagan ang bagong kalahok sa women’s division na Air Asia Flying Spikers laban sa beteranang Cagayan Valley Lady Rising Suns.
Isang makulay na opening ceremony ang gagawin sa ganap na alauna ng hapon.
Ang two-conference champion Philippine Army-Generika, Cignal HD Spikers, RC Cola-Air Force Raiders, PLDT TVolution Power Attackers at Petron Blaze Spi-kers ang kukumpleto sa kababaihan habang ang PLDT, Estetica Manila, Cignal HD Spikers at Via Mare ang mga kasali sa men’s division.
- Latest