Babad sa kangkungan

Patuloy na kumakain ng espasyo sa mga balita ang Team Kia dahil sa mga anunsyo ni boxing icon Manny Pacquiao sa papel na kanyang gagampanan sa nasabing PBA expansion team.

 Pinaka-bago ang balitang napili niya si Glenn Capacio na kanyang maging chief assistant sa koponan.

 Natabunan ng husto ang Ever Bilena (Blackwater Sport) ni ginoong Dioceldo Sy at ganoon din ang NLEX.

Ngunit ano ba ang mga opisyal na kaganapan sa expansion program ng liga?

 â€œTeam Kia and Ever Bilena have paid the franchise fee. NLEX has written the league a letter requesting for the extension of the franchise payment deadline,” sabi ng isang PBA official.

 Ang siste, mukhang pinag-iisipan pa ng NLEX kung itutuloy ang pagpasok sa liga matapos ‘di maaprubahan ang kanilang request na special concession sa PBA board. Umaasa silang payagan na makapag-direct hire ng at least limang players mula sa kanilang koponan sa PBA D-League.

 Sa desisyong inaprubahan ng PBA board, mukhang matagal na magiging whipping boys ang mga expansion teams bago makabuo ng tunay na competitive roster.

 Sa aking tanong noon kay Gilas coach Chot Reyes ukol sa kanyang sapantaha sa plano ni Pacquiao na ma-ging playing-coach sa liga, tungkol sa expansion draft ng liga ang sinagot ng national coach.

 Para kay Reyes, hindi ito tanong kung kaya ni Pacquiao na mag-coach, kung hindi anong klaseng team ang kanyang mabubuo.

 â€œNo. 1 rule in coaching is to get good players which he will not be able to do under the ‘protect 10 or 12 rule.’ Even Phil Jackson cannot win with practice players,” ani Reyes.

 â€œI’m all for expansion; but it’s got to be quality expansion. In the NBA when Charlotte came in, the other teams were allowed to protect only eight players in the expansion draft and the NBA had 29 teams at that time,” paliwanag pa ni Reyes.

 Nagkakasundo ang marami na naging masyadong maramot ang PBA board sa expansion teams.

 Mukhang matagal na maglalagi sa kangkungan ang mga ito bago makasabay sa laban kontra  sa mga lumang koponan ng liga.

 

Show comments