Kondisyon pa rin ang Si Señor
MANILA, Philippines - Nanatili ang magandang kondisyon ng Si Señor para mailista ang ikalawang sunod na panalo sa idinaos na pista noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si RC Tabor ang dumiskarte sa natuÂrang kabayo na dinomina ang 12-kabayong karera na pinaglabanan sa 1,500-metro at isang Philracom Summer RaÂcing Festival.
Galing sa panalo ang Si Señor noong Abril 25 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at kahit sa ibang pista ito tumakbo ay naroroon pa rin ang tikas ng kabayo para manaig sa hamon ng Lord Of War ni CB Tamano.
Ang mga napaborang kabayo na La Furia Roja, Classy and Swift at Don Albertini ay hindi nakaporma at ang Classy And Swift na hawak ni Mark Alvarez ay pumang-apat habang pumanglima lamang ang La Furia Roja na diniskartehan ni JL Paano.
Dahil maraming mahuhusay na katunggali, ang Si Señor ay nadehado pa sa bentahan upang makapaghatid ng P32.50 sa win habang ang 3-8 forecast ay naghatid ng P107.50 dibidendo.
Nagpatuloy ang pagpapanalo ng Olympus Queen na diniskartehan ngayon ni Alvarez habang naibigay ng apprentice jockey AB Serios ang ikalawang sunod na panalo sa buwan ng Mayo sa kabayong Barkadahan.
Napahinga ng halos dalawang buwan, wala pa rin nabago sa porma ng Olympus Queen na dati ay sinasakyan ni jockey Fernando Raquel Jr. at naipanalo sa huling dalawang takbo noong Marso.
Pumangalawa ang second choice na Niagara Boogie ni JB Bacaycay para maunsiyami ang hinangad na pangalawang panalo rin sa buwang ito.
Nagbigay pa ang win ng P6.50 habang ang 6-2 forecast ay may P12.50 dibidendo.
Nadugtungan ang huling panalo ng Barkadahan noong Mayo 4 matapos pagharian ang Handicap Race 3 na inilagay din sa 1,500-metro distansya.
Gamay ni Serios ang kabayo dahil maayos uli itong tumakbo sa ikalawang sunod na pagrenda at mapangatawanan ang pagiging patok sa siyam na kabayong naglaban.
Ang dehadong Che Mi Amor na sakay ng isa pang apprentice rider na si JD Flores ang pumaÂngalawa para mapasaya ang mga dehadista sa ibinigay na P1,039.00 sa 7-9 forecast habang P8.00 ang ipinamahagi sa win. (AT)
- Latest