MANILA, Philippines - Isang dating Filipino world champion ang ibi-nilang sa undercard ng bakbakan nina world middleweight champion Sergio Martinez at da-ting three-division titlist Miguel Cotto sa Hunyo 7 sa Madison Square Garden sa New York City.
Lalabanan ni ‘Marve-lous’ Marvin Sonsona si Wilfredo Vazquez para sa kanilang 10-round, non-title fight rematch.
Pinabagsak ni Vazquez si Sonsona sa fourth round para angkinin ang bakanteng WBO super bantamweight world title noong 2010.
At mula nang mapatumba ni Vazquez (23-3-1, 19 KOs) ay hindi pa natatalo si Sonsona (18-1-1, 15 KOs), isang dating WBO light bantamweight titleholder, sa kanyang huling apat na laban.
Umiskor ang 23-an-yos na si Sonsona ng isang third-round knockout kay dating light fea-therweight king Akifumi Shimoda noong Pebrero sa Macau, China.
Ang 29-anyos namang si Vazquez ay may 3-3 record sa kanyang huling anim na laban.
Nawala kay Vazquez ang kanyang korona nang matalo kay Jorge Arce via 12th-round knockout noong 2011.
Nasa maigting na pagsasanay ngayon si Sonsona sa Cebu City at nangakong gagawin ang lahat para talunin si Vazquez.
Sakaling magantihan niya si Vazquez sa kanilang rematch ay maaaring ikunsidera ang 5-foot-7 na tubong Ge-neral Santos City para sa isang championship fight.
Si Sonsona ay naging WBO super flyweight king sa eded na 19-anyos matapos talunin si Jose Lopez sa Ontario, Canada noong Setyembre ng 2009.
Nauwi sa draw ang kanyang pagdedepensa kay Alejandro Hernandez noong Nobyembre ng nasabing taon sa Canada.
Nang mahirapan sa kanyang timbang ay nagdesisyon si Sonsona na umakyat ng weight division kung saan siya pinatumba ni Vazquez para sa bakanteng WBO super bantamweight title noong Pebrero 27, 2010 sa Puerto Rico. (RC)