MANILA, Philippines - Sumandig ang San Mig Coffee kay two-time PBA Most Valuable PlaÂyer James Yap sa dulo ng final canto para talunin ang Talk ‘N Text, 77-75, sa Game Three at mapalaÂkas ang kanilang tsansa sa pag-angkin sa titulo ng 2014 PBA CommissioÂner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kinuha ng Mixers ang 2-1 abante sa kanilang best-of-five championship showdown ng Tropang TexÂters para makalapit sa kanilang ika-12 PBA championship.
Isinalpak ni Yap ang isang jumper sa huling 28 segundo para ibigay sa San Mig Coffee ang 76-75 bentahe.
Tumapos si Mays na may 20 points.
SAN MIG COFFEE 77 - Mays 20, Simon 17, Yap 13, Devance 10, Pingris 7, Sangalang 6, Barroca 2, Mallari 2, De Ocampo 0, Reavis 0, Melton 0.
Talk ‘N Text 75 - Castro 21, De Ocampo 18, Canaleta 12, Howell 10, Williams 5, Carey 5, Reyes Ryan 4, Reyes Rob 0, Aban 0, Fonacier 0, Alapag 0.
Quarterscores: 25-15; 37-35; 60-56; 77-75.