^

PM Sports

Bagong batas ipaiiral sa UAAP Season 77

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Mayo 30 ipapaalam ang mga bagong batas na ipaiiral sa Season 77 sa UAAP.

Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate ni UE athletic director at ngayon ay UAAP board secretary-treasurer Rod-rigo Roque, sinabi niya na ginawa ng binuong amendments committee ang lahat ng makakaya para mailagay ang mga bagong batas na magpapatatag sa liga.

Matatandaan na nabalot ng kontrobersya ang liga noong nakaraang taon at nanguna si Senadora Pia Cayetano na bumatikos sa UAAP lalo na sa ipinaiiral na 2-year residency rule sa mga manlalaro na lumili-pat ng paaralan.

Dahil sa batas na ito ay hindi nakalaro sina cager Jerie Pinggoy at swimmer Anna Dominique Bartolome sa Season 76.

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Roque sa mga inamyendahang batas dahil ipinasa na nila ang dokumento sa mga pangulo ng walong kasa-ping paaralan na magpupulong sa linggong ito.

“Nasa kamay ng mga school presidents ang amendments at hindi na ako puwedeng magsalita sa bagay na ito. Pero ang matitiyak ko lamang ay para ito sa ikagaganda pa ng liga,” wika ni Roque na ang paaralan ang siyang tatayong punong-abala.

Kahit ang pangalan ng uupong commissioner ng liga ay ipapaalam sa Mayo 30 na kung saan ang UAAP board ay magpupulong.

Kasama sa talaan ng pinagpipilian para maupo bilang commissioner sina dating Senador Robert Jaworksi, dating PBA commissioner Noli Eala, dating PBL commissioner Chino Trinidad, Tito Varela, PBA coach Yeng Guiao, Ato Badolato at dating UAAP commissioner at PBA team ma-nager Elmer Yanga.

Maliban sa mga sensitibong isyu na ito, ang liga ay handa na para sa papasok na season na bubuksan sa Hulyo 12 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Red Warriors na hahawakan ng beteranong UAAP at PBA champion coach Derrick Pumaren, ang magbubukas ng aksyon sa pagharap sa UP sa ganap na ika-2 ng hapon.

Susundan ito ng pagbubukas sa title defense ng La Salle kontra sa FEU dakong alas-4 ng hapon.

Ang makulay na opening ceremony ay gagawin sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Magpapatuloy ang aksyon kinabukasan sa Big Dome at magtutuos ang Ateneo at Adamson at National University vs UST.

Ang Araneta at Mall of Asia Arena sa Pasay City ang palaruang gagamitin sa first round at ang pinakahihintay na pagkikita ng magkaribal na La Salle at Ateneo ay nakakasa sa Hulyo 19.

Pinahihintulutan sa taong ito ang paglahok ng dalawang foreign players pero hindi sila puwedeng magsabay sa court.

Ang UE na tumapos sa 7-7 karta at hindi umusad sa Final Four sa pagdadala ni dating coach David Zamar ay palaban dahil maglalaro na si 6’8” Cameroonian center Mustafa Arafat para makapalitan ni 6’8” Charles Mammie.

“We have full trust and confidence on coach Derrick. The team is still on its learning process with our new coach but we’re hopeful we can make it to the Top four,” may kumpiyansang pahayag pa ni Roque.  (AT)

ANG ARANETA

ANG RED WARRIORS

ANNA DOMINIQUE BARTOLOME

ATENEO

ATO BADOLATO

BIG DOME

CHARLES MAMMIE

CHINO TRINIDAD

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with