MANILA, Philippines - Muling nakipagtambalan ang Philippine Superliga (PSL) sa Solar Sports bilang official broadcast partner ng liga.
Sinabi ni Ramon ‘Tats’ Suzara, ang PSL president at pinuno ng nag-oorganisang Sportscore, na isasaere ng Solar Sports ang mga laro ng PSL 2014 All-Filipino Conference, magsisimula sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome, sa lahat ng Solar Sports cable channels.
Ang Solar Sports ay nasa Sky Cable (Ch.70), Destiny Cable (Ch.35), Cignal (Ch.55) at Cablelink (Ch.58).
Ayon kay Suzara, ang ikalawang sunod na pakiki-pagtambal ng PSL sa Solar Sports, pinangungunahan ng presidente nitong sina Wilson Y. Tieng at chairman at CEO William Y. Tieng, angkop sa pagpapalakas ng premier club league na patuloy na humahakot ng mga fans na naghahanap ng mga top-level volleyball action na nasa tema ng PSL na “Ito ang Volleyball!â€
Ang PSL opening ay libre sa publiko. Ang mga tiket ay makukuha ng libre sa Score office, Unit 220, Vito Cruz Tower 1, 720 Vito Cruz sa Malate Manila (sa harap ng Philippine Sports Commission building sa Rizal Memorial Sports Complex).
Ang mga interesadong fans ay maaaring tumawag sa 3533935 (hanapin si Angel) para sa mga tiket.
Ang two-conference champion na Philippine Army, dadalhin ang pangalan ng Generika Drugstore, ang muling inaasahang lalaban para sa kampeonato.
Ngunit maaaring makahanap ng matinding karibal ang Lady Troopers mula sa Cignal HD Spikers, nilaba-nan sila sa nakaraang Invitational at Grand Prix Finals.
Ang bagong koponang AirAsia Flying Spikers, ibabandera si two-time UAAP MVP Abbie Maraño at ang kanyang mga La Salle teammates ay ikinukunsidera ring mabigat na kalaban.
Sinasabi namang hahamon sa Lady Troopers, HD Spikers at Flying Spikers ang RC Cola-Air Force Raiders bukod pa sa PLDT Power Attackers, Cagayan Valley Lady Rising Suns at Systema Active Smashers.
Itatampok naman ng Petron Blaze Spikers si top pick Din-Din Santiago. Sa men’s division naman ay paparada ang Cignal, PLDT-Air Force, Instituto Estetica Manila, Systema at UP Alumni Team.