LOS ANGELES – Sa isang pana-yam na sana ay magpapakalma sa marami, lalong sumama ang tingin ng mga tao kay Los Angeles Clippers owner Donald Sterling na una ay humingi ng paumanhin ngunit bandang huli ay tinira niya si Magic Johnson ukol sa pagkakaroon nito ng HIV kaya hindi siya nararapat na maging role model sa kabataan.
“He’s got AIDS!’’ sabi ni Sterling sa isang bahagi ng interview ni Anderson Cooper ng CNN. “What has he done, big Magic Johnson, what has he done?’’
Dahil dito, agad siyang kinondena ng liga na nauna nang nais nang tanggalin siya bilang owner.
Nagpalabas si Commissioner Adam Silver, nagpataw kay Sterling ng lifetime ban at $2.5 million fine dalawang linggo na ang nakakaraan, ng statement at sinabi niyang “while Magic Johnson doesn’t need me to, I feel compelled on behalf of the NBA family to apologize to him that he continues to be dragged into this situation and be degraded by such a malicious and personal attack.’’
Ayon pa kay Silver, patuloy ang proseso ng NBA Board of Governors sa pagtatanggal kay Mr. Sterling bilang owner.
Nag-post naman si Johnson, nakatakdang mag-guest sa Cooper’s show nitong Martes, sa kanyang Twitter account na “I’d rather be talking about these great NBA Playoffs than Donald Sterling’s interview.’’