MANILA, Philippines - Hindi kakapusin ng mga pangarerang kabayo ang horse racing sa mga susunod na taon.
Sa ulat ng Philippine Racing Commission (Philracom), lumabas na may 741 kabayo ang ipina-nganak noong 2012 base sa report ng Stud Book Division.
Ang bilang na ito ay ‘di hamak na mas mataas sa ulat noong 2011 na nasa 688 foals para magkaroon ng 7.7% pagtaas ayon sa ulat.
Ang mga kabayong ito ay mga two-year old hor-ses na ngayon at ang ilan ay isinabak na sa karera.
Mahalaga ang pagkakaroon ng pagtaas ng bilang ng mga bagong panganak na kabayo dahil malaking hamon ang hinaharap ng industriya lalo pa’t tatlo na ang race tracks na pinagdarausan ng karera sa bansa.
Ang mga ito ay ang Santa Ana Park sa Naic, Cavite na pag-aari ng Phi-lippine Racing Club, Inc. (PRCI), San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at Metro Turf sa Malvar, Batangas na pag-aari ng Metro Turf Club Inc. (MTCI).
“This increase will favorable support the current challenge of providing enough runners for the present requirements by the three racing clubs that are all congressional-franchise-grantee,†pahayag ng ulat.
Ang horse racing ay naghahatid ng P1.32 bilyon kita sa huling sampung taon sa kaban-yaman ng pamahalaan at inaasahang ganito pa rin ang maiaambag ng horse racing dahil sa patuloy na pagtaas ng kita ng nasabing sector.
Ang pagpapasigla sa local breeding industry ay isa sa ipinalabas na mahalagang aspeto sa liderato ni Philracom chairman Angel L. Castano Jr. at ng kanyang Board of Commissioners sa pangunguna ni commissioner at executive director Jess Cantos.