PNG dapat seryosohin ng mga atleta - Garcia
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kahapon ni PSC chairman Ricardo Garcia ang mga kasapi ng pambansang koponan na seryosohin ang paglalaro sa ikaapat na edisyon ng Philippine National Games na gagawin mula Mayo 16 hanggang 26 sa iba’t ibang palaruan sa Metro Manila.
Pormal na inilunsad ang kompetisyon na bukas sa lahat ng mahihilig sa sport kahapon sa PSC conference room at ti-nuran uli ni Garcia ang nakagawian na paggamit sa resulta ng kompetis-yon para malaman kung mananatili o aalisin ang mga national athletes na kanilang sinusuportahan.
“Our elite athletes, especially the priority athletes, should be taking this event seriously. We have in the past adjusted rating of the athletes who did not performed well. A lot of athletes before that did not participate or performed well were downgraded with their status,†wika ni Garcia.
Mahigit na 800 ang atletang nasa pangangalaga ng PSC at sa bilang na ito ay may 180 atleta ang nasa priority list o mga tumatanggap ng pinakamalaking allowances na P40,000.00 kada buwan.
“They are receiving P40,000.00 a month just to train and there is no reason for them not to win their events,†dagdag pa ni Garcia na sinamahan sa paglulunsad nina PSC commissioner at PNG-in-charge Jolly Gomez, POC secretary general Steve Hontiveros at Philspada officials Louie Arellano at Mike Barredo.
Lalabas na pinakama-laki ang 2014 edisyon ng PNG dahil may 54 sports ang paglalabanan at ito ay lalahukan ng nasa 7,000 atleta mula sa 436 Local Government Units o clubs.
Noon pang dekada 90 sinimulan ang PNG pero natigil ito. Taong 2011 ibinalik ng PSC ang kompetisyon at umabot lamang sa 34 sports at 2,500 ang atletang naglaro na ginawa sa Bacolod. Noong 2013 ay nagkaroon ng 42 sports ang pinaglabanan at nasa 5,000 ang sumali.
“We expect to have a bigger and better PNG 2014. This fourth revival edition is also special because we will be holding the Games with the Philspada National Games to give opportunity for our differently-abled athletes more exposure,†pahayag ni Gomez.
May 10 regular sports at tatlong demo sports ang gagawin ng Philspada.
Ang Rizal Memorial Sports Complex ang siyang pagdarausan ng 14 sports, tampok ang aksyon sa swimming.
Ang athletics ay idaraos sa Philsports Track Oval na ginastusan ng P23 milyon at ang rubberized oval na kinabit ay katulad sa oval na ginamit sa Beijing at London Olympics.
- Latest