No. 2 ticket sa semis pag-aagawan ng Blackwater at Cebuana Lhuillier

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang nag­­­de­depensang Black­wa­­ter Sports Elite at Ce­bu­ana Lhuillier Gems sa pagsilo sa mahalagang ika­lawang puwesto at aw­tomatikong silya sa se­mifinals sa pagpasok ng huling dalawang araw ng eli­minasyon sa PBA D-League Foundation Cup sa Meralco Gym sa Ortigas Ave. Pasig City.

Galing ang Elite sa da­lawang dikit na panalo la­ban sa Boracay Rum Waves (96-94) at Café France Bakers (69-67) pa­ra makasalo ang Gems at pahingang Jumbo Plastic Giants sa pangalawang pu­westo.

Kung manalo ang tro­pa ni coach Leo Isaac ay kailangang matalo ang Giants sa huling laro ng Café France Bakers bukas pa­ra samahan ang NLEX Road Warriors sa se­mifinals.

Natalo ang Elite sa Giants, 68-76, para umabante ang huli sa semis kung magtatabla ang da­lawa sa pangalawang posisyon.

Tiyak na ganito rin ang nasa isipan ng tropa ni coach David Zamar na talunan sa huling dala­wang laro sa Hog’s Breath Café, 72-85, at NLEX, 68-76.

Kung ang Gems ang papalarin, sila ang ma­ka­kasama ng Road Warriors sa Final Four dahil nanalo sila sa Giants, 60-54.

Aasa ang Gems sa ga­ling nina Bambam Gamalinda, Paul, Zamar, James Martinez at Marcy Arellano para lumakas ang laban para sa titulo ng liga.

Unang laro sa alas-2 ng hapon ay sa hanay ng Ca­gayan Valley Rising Suns at Hog’s Breath Ca­fé Razorbacks.

Sa Rising Suns na lamang may halaga ang la­rong ito dahil sibak na ang Razorbacks tulad ng Derulo Accelero Oilers.

May 3-5 baraha ang Ca­gayan at kasalo ang Bo­­racay Rum Waves at Ba­kers para sa mahalagang ikaanim at huling pu­westo na aabante sa quar­terfinals.

Kung magwagi ang Ri­sing Suns ay sasaluhan nila ang Big Chill Super­chargers at umasa na hin­di manalo ang Waves at Bakers sa hu­ling laro.

Sakaling magkaroon ng 3-way o 4-way tie, ang quotient system ang ga­gamitin para madetermi­na ang dalawang uusad sa quarterfinals.

 

Show comments