^

PM Sports

2-sunod na panalo sa Seeing Lohrke

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinungkit ng kaba­yong Seeing Lohrke ang ikalawang sunod na panalo habang nakabawi ang Matapat sa pagkatalo sa huling takbo sa idinaos na pista noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ginabayan uli ang Seeing Lohrke ni class B jockey RA Tablizo at hindi naman nadismaya ang mga nanalig sa husay ng kabayo matapos magwagi sa Philracom Summer Racing Festival (CD 1C) na pinaglabanan sa 1,300-metro at sinalihan ng walong kabayo.

Naunang nanalo ang tambalan noong Mayo 4 sa nasabing race track at sa pagkakataong ito ay hiniya ng Seeing Lohrke ang hamon ng Tarlak sa pagdadala ni CM Pilapil.

Bitbit ng Tarlak ang pinakamabigat na handicap weight na 58 kilos at tila ininda ito ng kabayo para malagay sa ikalawang sunod na pangalawang puwestong pagtatapos.

Noong Mayo 4 kumarera sa nasabing bakuran ang tambalan at natalo ito sa kabayong Barkadahan.

Napaboran ang Seeing Lohrke para makapaghatid ng P9.50 sa win habang ang 6-1 forecast ay mayroong P30.50 dibidendo.

Si class D jockey EL  Blancaflor ang sumakay pa rin sa kaba­yong Matapat na naka­bawi matapos malagay sa ikalawang puwesto sa Urgent noong Mayo 4 para matapos ang magkasunod na panalo noong buwan ng Abril.

Paborito ang anim na taong kabayo at hindi naman napahiya ito nang agad na sinabayan ang pag­layo ng World Peace sa pagdadala ni Val Dilema sa pagbukas ng aparato.

Hinayaan ni Blancaflor na si Dilema ang magdala ng pacing bago pinakawalan ang Matapat sa huling 100-metro ng karera tungo sa dalawang dipang panalo.

May lahing Interrogate sa Sweet Conquest, ang Matapat ay naghatid ng P6.00 sa win at P12.00 sa 3-4 forecast.

Lumabas si Blancaflor bilang pinakamahusay na hinete sa unang gabi ng karera sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) nang nakapaghatid ng dalawang panalo sa walong karerang pinaglabanan.

Ang Heart Smart ang isa pang kabayo na naga­bayan  ng hinete sa tagumpay sa Philracom Summer Racing Festival na race 5 at pinaglabanan sa 1,500-metro.

Walong kabayo ang nagsukatan, kasama ang isang coupled entry at binigyan ang Heart Smart ng 57-kilos handicap weight.

Ngunit kondisyon ang nasabing ikabayo para makabawi mula sa ikalimang puwestong pagtatapos noong Mayo 3.

Sa pagbukas ng gate ay kinuha agad ng Heart Smart ang kalamangan at sa likod ay lumayo na ng halos limang dipa sa mga naghahabol.

Lalo  pang kinargahan ni Blancaflor ang sakay na kabayo para manalo ang second choice ng halos walong dipa sa third pick na Baby Dugo ni Jeff Bacaycay.

Ang napaborang Leica In Manila ni JD Juco ay nalagay lamang sa pang-apat na puwesto.

Kumabig ng P12.00 ang mga nanalig sa husay ng Heart Smart habang P47.00 ang ipinasok sa 7-2 forecast. (AT)

ANG HEART SMART

BABY DUGO

BLANCAFLOR

HEART SMART

JEFF BACAYCAY

KABAYO

MATAPAT

SEEING LOHRKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with