Handa na ang lahat sa Mother’s Day Treat ng Tempra

MANILA, Philippines - Nakahanda na ang Tempra’s Mother’s Day Treat sa Charito Planas Garden, Quezon City Memorial Circle na gaganapin bukas.

Libre ang registration sa naturang kasiyahan kung saan pahahalagahan ng Tempra ang mga ina sa pamamagitan ng mga palaro at iba’t ibang pakulo.

Ang mga interesado ay maaring tumawag sa Subterranean Ideas para sa libreng booklets sa tel. nos. 504-5990 (landline), 0916-2246221 (Globe), 0923-3323737 (Sun) at 0918-2392009 (Smart).

Maari ring makakuha ng mga booklets sa gate ng Planas Garden ngayon o bago magsimula ang prog-rama (7 a.m.) sa bukas.

Iba’t ibang palaro at booths ang naghihintay sa mga ina at kanilang mga anak, tulad ng Trip na Trip Contest, Spin a win-8, clown booth, magic treats, unlimited face painting (kids at adults), Tempra photo booth (photo opportunity with Dr. T), Pachinco at iba pa, tulad ng Tempra Hold Your Breath Contest, Tempra Find the Fruit Game (parang Easter Egg Hunt).

“All participants won’t go home empty handed. We have prepared games, raffles and surprises for the whole family. It will surely be a fun-filled day in our continuing commitment to honor Filipino mothers,” sabi ni Cleo Roda Nodado, Marketing Manager-Taisho Pharmaceutical, Inc.

Ang mga lalahok ay kailangang magdala ng 2 empty boxes ng Tempra or Ceetrus Syrup o 10 blister packs ng Tempra tablets para makapagparehistro at makasali sa raffle. Lahat ng kasali ay dapat na iprisinta ang kanilang mga booklets para makasali sa mga contests at iba’t ibang aktibidad.

Show comments