^

PM Sports

Puwede nang mag-register sa Manila Bay Clean-Up Run

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinumulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ikaapat na Manila Bay Clean-Up Run na gagnapin sa Hulyo 13.

Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa  3K, 5K, 10K at 21K divisions na panlalaki at pambabae.

Magkakamit ng medalya at  cash prizes ang magwawagi sa bawat kategoriya. 

Maaring magpalista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City at simula sa May 24, puwede na ring magparehistro sa Planet Sports (Trinoma), Athlete’s Foot (Alabang Town Center) at ROX (Bonifacio Global City Taguig).

Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa pana-wagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kungdi maging mga ilog, estero, at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito.  Ang funrun ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga pangangailangan ng programa.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaring tawagan ang Runners Link sa telepono bilang 482.5143 o kaya  0916.205.2787.

ALABANG TOWN CENTER

BONIFACIO GLOBAL CITY TAGUIG

LAND BANK

MANILA BAY CLEAN UP RUN

MANILA BAY CLEAN-UP RUN

MANILA BROADCASTING COMPANY

PASAY CITY

PLANET SPORTS

ROXAS BOULEVARD

RUNNERS LINK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with