NCR bets humataw sa Palarong Pambansa

SANTA CRUZ, Laguna, Philippines - – Sa ika-13 sunod na pagkakataon ay mu-ling dinomina ng National Capital Region ang mga kompetisyon sa Palarong Pambansa.

Ito ay matapos humakot ang NCR athletes ng 69 gold, 46 silver at 38 bronze medals sa elementary at secondary division para muling dominahin ang 57th Palarong Pambansa kahapon dito sa Laguna Sports Complex.

Ang NCR ay sinundan ng Region IV-A (25-32-34), Region VI (23-19-28), CARAA (22-9-11), Region X (19-16-20), Region VII (13-22-22), Regio  XII (11-13-21), Region XI (8-12-14), Region III (7-9-14), Region V (7-4-18), Region I (6-9-7), CARAGA (5-5-7), Region II (4-11-11), Region VIII (3-6-7), Region IV-B (1-4-6), ARMMA (1-1-4) at Region IX (0-4-7).

Tampok sa pananalasa ng Big City athletes ang 5-of-5 gold medals ni Jomar Udtohan sa track and field events na pawang mga bagong marka sa Palarong Pambansa.

Nagposte ang 17-an-yos na high school gra-duate ng San Sebastian na si Udtohan ng mga bagong Palarong Pambansa record sa secondary boys’ 100m, 200m, 400m, 4x100m relay at 4x400m relay.

“Talagang ibinigay ko na po ang lahat ng makakaya ko para manalo ng limang golds kasi last Palarong Pambansa ko na po to,” sabi ni Udtohan, ang ina ay kamag-anak ni boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde.

“Nagpapasalamat din ako sa mga teammates ko sa relay.”

Ngunit kung paramihan ng gintong medalya ang pag-uusapan ay si swimmer Maurice Sacho Illustre ng NCR ang bida matapos sumikwat ng pito. Ang mga ito ay kinuha ni Illustre sa secondary boys’ 200m, 400m at 800m freestyle, 100m at 200m butterfly, 400m medley at sa 400m relay events.

Ngunit kung paramihan ng gintong medalya ang pag-uusapan ay si archery Mary Queen Ybanez ng Ilocos Region ang bida matapos tumudla ng anim sa 30m, 40m, 50m, 60m, single Fita at individual Olympic round.

“Sipag at tiyaga lang po sa training ang sikreto ko and at the same time ‘yung support po ng fami-ly ko,” wika ng 16-anyos na si Ybanez, high school graduate ng Norma Colleges Special Science sa San Juan, La Union.

Sa secondary boys’ basketball, pag-aagawan ng NCR at ng Central Luzon ang korona matapos talunin ang Central Visayas, 90-80 at ang Western Visayas, 81-74, ayon sa pagkakasunod, sa semifinals.

Sa secondary football, maglalaban para sa gintong medalya ang NCR at ang Region IV-B. (RC)

Show comments