Asawa ni Sterling ayaw bumitaw sa Clippers

LOS ANGELES – Ipaglalaban ng dating asawa ni Los Angeles Clippers owner Donald Sterling na manatili sa kanya ang 50 percent ownership ng team, ayon sa kanyang abogado na magbibigay komplikasyon sa plano ng NBA na ipabenta ang prangkisa.

Ayon sa abogado ni Shelly Sterling na si Pierce O’Donnell, hindi papayag ang kanyang kliyente sa “forced or involuntary seizure of her interest.’’

“As her lawyers we will fight vigorously to defend her property rights,’’ sabi ng abogado.

Sinabi ni O’Donnell na  walang interes si Mrs. Sterling  na i-manage ang Clippers at nais niya ng bagong investor group na may professional ma-nagement team.

Ayon pa kay O’Donnell, hiwalay na si Shelly Sterling sa kanyang asawa noong nakaraang taon at ikinokonsidera na niya ang diborsiyo.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni NBA Commissioner Adam Silver ang pagba-ban kay Donald Sterling ng habang-buhay bukod pa sa $2.5 milyong multa dahil sa kanyang racial comments at hinimok din niya ang ibang owners na puwersahin itong ibenta ang team.

Nauna nang sinabi ni Silver na hindi pa napag-uusapan o napapagdesis-yunan kung papayagan si Mrs. Sterling o iba pang Sterling family member na mag-may-ari ng team.

 

Show comments