^

PM Sports

Kid Molave babantayan sa 1st leg ng Triple Crown

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng 2013 Juvenile Champion Kid Molave ang siyam na kabayo na magtatagisan sa unang yugto ng 2014 Philippine Racing Commission (Philracom) Triple Crown Championship sa Mayo 18 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Susukatin ang Kid Molave ng iba pang mahuhusay na kabayo na nakatikim na rin ng panalo sa mga naunang stakes races na pinaglabanan tulad ng Matang Tubig, Low Profile, Dixie Gold at Kanlaon sa opening leg na gagawin sa isang milyang distansya.

Ang River Mist, Winter’s Tale at coupled entries Kaiserlautern at Tapdance ang kukumpleto sa mga kasali sa karerang nilagyan din ng Philracom ng P3 milyong premyo at ang mananalo ay mag-uuwi ng P1.8 milyong gantimpala.

Bukod sa malaking premyo, ang mananalo sa karera ang lalabas na bukod-tanging kabayo na puwedeng maging ika-sampung Triple Crown champion ng bansa.

Taong 1978 nang binigyang-buhay ang karera para sa pinakamahuhusay na three-year old horses at ang mga nakapagtala ng sweep sa tatlong yugtong karera ay ang mga kabayong Fair And Square (1981), Skywalker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2011) at Hagdang Bato (2012).

Ang ikalawang yugto ay itatakbo sa Hunyo 15 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa 1,800-metro habang ang huling yugto ay sa Hulyo 27 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa mas mahabang 2,000-metro.

May 15 kabayo, kabilang ang dalawang coupled entries, ang nagbabalak na sumali naman sa Hopeful Stakes race na gagawin sa Mayo 17 sa 1,600-metro distansya.

Ang mga nagpatala ay ang Heart Of Bull, Hermosa Street, Hidden Moment, Jazz Again, Love Na Love, Lucky Leonor, Malaya, Misty Blue, Up And Away, Wild Talk, Wo Wo Duck at ang coupled entries na Castle Cat/Marinx at Hello Patrick/The Lady Wins.

May P1 milyon ang premyong paglalabanan sa nasabing karera at ang mananalo ay mayroong P600,000.00 unang prem­yo bukod sa pagkuha ng puwesto sa second leg ng Triple Crown.

Ang final declaration sa Triple Crown at Hopeful ay itinala sa Mayo 12 habang ang bolahan ay sa Mayo 16. (AT)

vuukle comment

ANG RIVER MIST

CASTLE CAT

CAVITE

DIXIE GOLD

FAIR AND SQUARE

HAGDANG BATO

HEART OF BULL

HELLO PATRICK

HERMOSA STREET

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with