SANTA CRUZ, Laguna, Philippines - – Kabuuang tatlong gintong medalya ang nakuha ni archer Mary Queen Ybanez ng Ilocos Region noong nakaraang Pala-rong Pambansa sa Dumaguete, Negros Oriental.
Ngunit kahapon ay nakatudla na ang 16-an-yos na high school graduate ng Norma Colleges Special Science ng limang gold medals matapos bumandera sa girls’ 50-meter, 60-meter at single Fita round sa archery event ng 57th Palarong Pambansa dito sa Laguna Sports Complex.
“Five down, three to go,†sabi ni Ybanez, nauna nang nagdomina sa 30m at 40m event noong Martes. “Hopefully, makuha ko din ‘yung three events (team, mixed team at Olympic round).â€
Pumana si Ybanez, ang ina ay may-ari ng isang resort sa San Juan, La Union, ng 342, 316, 325, 300 at 313 sa 30m, 40m, 50m at 60m, ayon sa pagkakasunod, para sa kabuuang 1,296 sa single Fita round.
Sa Day 2 ng swimming, muling sumira ng Palarong Pambansa record si Imee Joyce Saavedra ng National Capital Region nang burahin ang 2006 mark ni Olympian Jasmine Al-Khaldi na 1:03.46 sa elementary girls’ 100m freestyle para sa bago niyang 1:03.03 na kanyang inilista sa preliminaries.
Sa finals ay nagtala si Saavedra ng 1:03.34 para kunin ang kanyang ikalawang gintong medalya.
“Medyo napagod lang po ako pagdating sa finals,†sambit ng 12-anyos na incoming freshman sa Diliman Preparatory School.
Sa kabuuang 14 gold medals na itinaya, ang siyam dito ay inangkin ng NCR para iposte ang 34 ginto, 15 pilak at 18 tansong medalya at ma-nguna sa overall medal tally kasunod ang Region IV (15-14-14), Region VI (12-9-11), Region VII (7-9-6) at CARAA (7-8-6).
Sa arnis, ibinulsa ni Joemarson Rey Abodadi ng CARAA ang mga ginto sa secondary boys’ individual single at double weapon. (RCadayona)