MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng namamayagpag na NLEX Road Warriors na makumpleto ang 9-0 sweep sa elimination round sa pagharap sa Big Chill Superchar-gers sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Sa ganap na ika-12 ng tanghali magkikita ang Road Warriors at Superchargers na siyang naglaban para sa titulo ng Aspirants’ Cup na napanalunan ng tropa ni coach Boyet Fernandez.
“We are out to sweep the eliminations,†wika ni Fernandez matapos ang 76-68 panalo sa Cebuana Lhuillier Gems sa huling asignatura para sa 8-0 baraha.
Handa naman ang Superchargers na pigilan ang tangka ng NLEX para okupahan na ang upuan sa quarterfinals.
May 4-4 baraha ang tropa ni coach Robert Sison at sapat na ang limang panalo para magpatuloy ang laban sa liga dahil ang Cagayan Valley at Boracay Rum na parehong may 3-5 baraha ay hanggang apat na panalo lamang ang magiging best finish kung mananalo sa kanilang huling laro.
Galing ang Superchargers sa 50-46 panalo laban sa Jumbo Plastic Giants at ang pababain ang scoring ang nais niyang ipagawa sa mga bataan para gumanda ang tsansa na manalo sa mainit na NLEX.
Puwesto sa quarterfinals din ang habol ng nagdedepensang kam-peong Blackwater Sports Elite sa pagharap sa Café France Bakers sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.
Kung talunin ng Elite ang Bakers ay mana-natiling matibay pa ang paghahabol sa ikala-wang semifinals slot dahil papantayan nila ang nasa ikalawang puwesto na Giants at Cebuana Lhuillier Gems na may 5-3 karta.
Tulad sa Blackwater ay mahalaga rin sa Café France ang laro dahil naghahabol pa rin sila ng upuan sa susunod na round kahit may 3-4 karta lamang.
Kailangan nila na maipanalo ang larong ito at ang huling asignatura laban sa Giants upang makatiyak ng puwesto sa quarterfinals.
“It’s a tough challenge for us but it’s a good learning expe-rience for the players. Let’s see what happens,†pahayag ni Bakers coach Edgar Macaraya na tinapos ang apat na sunod na pagkatalo gamit ang 70-66 tagumpay sa Cagayan Valley sa huling laban.
Ang tikas sa ilalim ni Rodrique Ebondo at shooting ni Alvin Abundo ang sasandigan ng Bakers para maisantabi ang malawak na karanasan ng mga beteranong players ng Elite. (AT)