ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week

Ryan Reyes (Talk ‘N Text)

Kaligayahan ni Talk ‘N Text defensive ace Ryan Reyes na tumulong kapag kailangan ng kanyang team.

Dahil dino-double-team ang mga kamador ng Talk ‘N Text na sina  Jimmy Alapag at Jayson Castro sa kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinal series, nagkaroon ng pagkakataon si Reyes na tumira nang tumira ng tres sa Game Three  kung saan siya ay nagbida.

Nagposte ang former PBA Rookie of the Year shot ng 15 points sa 5-of-8 shooting sa triple area upang pangunahan ang Talk ‘N Text  sa 99-91 panalo para sa three-game sweep sa kanilang semifinal series kontra sa puro injury na Rain or Shine noong nakaraang linggo.

Ang Elasto Painters na lumarong wala sina Jervy Cruz, Chris Tiu, JR Quiñahan at wala rin sa kondis-yon si Wayne Chism, ay nakadikit sa 6-points sa fourth period ngunit dahil sa mainit na shooting ni Reyes sa three-point land, namentina ng Tropang Texters ang kanilang perfect record ngayong conference matapos manalo ng 13-sunod.

“Everyone’s gotta be prepared. Jimmy and Jayson, they get a lot of attention on offense, so once they (Elasto Painters) double-team, they just find their guys outside and I happen to be open outside, so i just shoot when I’m open,” pahayag ni Reyes.

Show comments