Express may pag-asa pa

MANILA, Philippines - Pinuwersa ng Air21 ang San Mig Coffee sa ‘do-or-die’ match matapos kunin ang 94-91 tagumpay sa Game Four at itabla ang kanilang semifinals series para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inalagaan ng Express ang kanilang double-fi-gure lead sa fourth quarter, tampok ang ratsada ni Mac Cardona, para sa 2-2 pagtabla ng kanilang best-of-five semis duel.

Ang mananaig sa Game Five bukas ang lalabanan ng Talk ‘N Text para sa best-of-five championship series na magsisimula sa Biyernes.

Pormal namang sinimu-lan kahapon ni dating San Mig Coffee assistant Jeffrey Cariaso ang kanyang trabaho bilang bagong head coach ng Ginebra.

Si Cariaso, kasama sina dating San Mig assistant Olsen Racela, Ato Agustin, Freddie Abuda at Jorge Gallent, ang nangasiwa sa unang team practice ng Gin Kings sa Green Meadows bilang paghahanda sa darating na 2014 PBA Governor’s Cup na magsisimula sa Mayo 24.

Samantala, tatlong baguhang imports ang gustong iparada ng Barangay Ginebra, Alaska at ng Talk ‘N Text para sa darating na 2014 PBA Governor’s Cup.

Pipiliting kunin ng Gin Kings si Univ. of Tennessee Chattanooga Mocs starter Zaccheus Mason para sa kanilang kampanya sa season-ending tournament na pinagharian ng San Mig Coffee Mixers noong nakaraang taon.

Kinukuha naman ng Aces si dating New York Knicks’ player Bill Walker, ang 47th pick overall ng Washington Wizards noong 2008 NBA Draft at naglaro din para sa Boston Celtics.

Kumpiyansa naman ang Tropang Texters na makukuha nila si 2014 NBA D-League co-MVP Othyus Jeffers, naglaro para sa Utah Jazz, San Antonio Spurs, Washington Wizards at Minnesota Timberwolves.

Samantala, muling ibabandera ng San Mig Coffee at ng San Miguel Beer sina Best Import Marqus Blakely at Elijah Millsap.

Nagtala si Blakely ng mga averages na 23.95 points, 14.30 rebounds, 3.91 assists at 2.36 blocks per game para sa Mixers noong nakaraang season.

 

Show comments