Reyes sabik na sa pagdating ni Blatche
CEBU CITY, Philippines – Kung mas malayo ang aabutin ng Brooklyn Nets sa NBA playoffs, mas matatagalan pa bago makasama si Andray Blatche sa Gilas Pilipinas.
Kaya umaasa na la-mang si Gilas coach Chot Reyes na makakasama na nila sa lalong madaling panahon ang 6-foot-11 Nets center bilang naturalized Filipino player ng koponan.
Nandito ngayon si Reyes sa Queen City of the South para bantayan ang Pinoy Knockout boxing card na hatid ng TV5. Ang multi-titled coach ang nangangasiwa ng Sports5.
“Hindi pa natin alam eh. Depende how deep they get to the playoffs,†sabi ni Reyes ukol kay Blatche, bahagi ng Nets team na sasalang sa Game 7 sa kanilang first-round matchup kontra sa Toronto Raptors.
Sinabi ni Blatche ilang linggo na ang nakakaraan na sabik na siyang maglaro para sa Gilas Pilipinas.
Nais ng Gilas na makuha si Blatche para palakasin ang pambansang koponan na isasabak sa FIBA World Cup sa Spain sa August at sa Asian Games sa Incheon sa September.
Isinama ni Reyes ang pangalan ni Blatche sa Asian Games lineup.
Umaasa si Reyes na makakasama nila si Blatche sa camp ng Gilas sa Miami sa huling linggo ng July.
Si Blatche ay nakatira sa Miami kaya makakasama siya sa training ng Gilas bago sila tumulak pa-Spain at dumiretso sa Incheon.
Ang naturalization ni Blatche ay pinoproseso pa ngunit kumpiyansa si Reyes na mapapabilis ito dahil sa suporta mula sa Senate at House of Representatives.
Pag naaprubahan na si Blatche, mabibigyan na siya ng Philippine passport at dire-diretso na ito.
- Latest