Randolph suspindido sa Game 7

MANILA, Philippines - Tumanggap ang Memphis Grizzlies ng malaking dagok nang ihayag ng NBA nitong Biyernes na suspindido si Zach Randolph sa deciding Game 7 kontra sa Oklahoma City Thunder nitong Sabado.

Sinuspindi si Randolph ng one game without pay dahil sinuntok nito si Thunder center Steven Adams sa panga, 6:42 minuto ang natitira sa fourth quarter sa 104-84 pagkatalo ng Grizzlies sa Game 6 sa Memphis nitong Huwebes.

Si Randolph ay may averaged team-bests na 18.2 points at 8.7 rebounds kontra sa Thunder.

Maaaring sumandal ang Memphis kina reserve power forwards James Johnson, Ed Davis at Jon Leuer para punan ang pagkawala ni Randolph.

Ang mananalo sa Memphis-Oklahoma City series ay haharap sa mananalo sa Los Angeles Clippers-Golden State Warriors series sa second round.

Walang nakahalata sa nangyari kaya walang lumabas na video kahit sa YouTube kaya walang nagtanong na radio hosts at mid-day bloggers kung may suspension na ipapataw ang NBA.

Ngunit talagang tinira ni Randolph si Adams at ang kanyang paninira at panunulak ay sapat na dahilan para suspindihin ang Grizz-lies scoring big man para sa deciding Game 7 nitong Sabado laban sa Thunder.

 

Show comments