NEW YORK – Tila seryoso ang mga NBA owners gayundin si Commissioner Adam Silver na tapusin ang pagma-may-ari ni Donald Sterling sa Los Angeles Clippers.
Nagsagawa ang advisory/finance committee ng liga para pag-usapan ang isyu ukol kay Sterling nitong Huwebes, dalawang araw matapos sabihin ni Silver na hihikayatin niya ang mga owners na pu-wersahing ibenta ang team.
Nagdaos ng confe-rence call ang 10-member committee para pag-usapan ang proseso ng pagsibak kay Donald T. Sterling bilang may-ari ng Los Angeles Clippers, ayon sa statement ni NBA executive vice president Mike Bass. “The committee unanimously agreed to move forward as expeditiously as possible and will reconvene next week.’’
Na-ban si Sterling sa NBA for life at pinagmulta ng $2.5 milyon ni Silver nitong Martes dahil sa kanyang mga racist comments. Hindi na puwedeng magkaroon ng kaugnayan si Sterling sa liga or sa team ngunit hindi pa kontento si Silver.
Para mapuwersang ibenta, kailangan ng approval ng three-fourths ng 30 owners ng liga at kumpiyansa si Silver na makukuha niya ang kailangang bilang na boto.
Si Minnesota owner Glen Taylor ang chairman ng committee.