May bagong kandidato para sa Most Improved Player award na biglang sumirit sa katauhan ni Air21 forward Sean Anthony.
Sa mga larong kanyang hinuhugot, baka Best Player of the Conference contender pa nga siguro si Anthony kung mas maagang nakalaro sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup. Siya ang scoring leader tangan ang average na 19.00 points per game at No. 4 sa rebounding sa kanyang average na 7.5 per outing.
Kaya nga lamang, anim lang sa kanilang 12 games ang kanyang nailaro kaya’t kulang sa bonus stats points at wala sa listahan ng mga pangunahing kandidato sa BPC award.
Ngunit kung patuloy na lalaro ng klase ng kanyang inilalaro sa kasalukuyan, malamang na lumaban si Anthony para sa Most Improved Player award sa pagtatapos ng PBA Season 39. Walang dudang isa siya sa pinakamalaking dahilan kung bakit narating ng Air21 ang kasalukuyan nitong kinatatayuan.
“We’ve found in him somebody suited in what we’re trying to do. He gives us a lot of intangibles,†pagpupugay sa kanya ni Air21 coach Franz Pumaren.
Napunta si Anthony sa Air21 bilang parte ng trade deal na nagdala kay KG Canaleta sa Talk ‘N Text.
Sa kanyang unang tatlong season sa PBA, nagtala lamang ng ave-rages na 8.7 points at 5.7 rebounds ang 6-foot-4 Fil-Am player na ito.
Isa siya sa mga pangunahing backup ni Gary David sa koponang Powerade na gumulat sa B-Meg (San Mig Coffee) sa kanilang matchup sa 2011-12 PBA Philippine Cup quarterfinal showdown. Top seed noon ang B-Meg tangan ang twice-to-beat advantage kontra sa Powerade.
Off the bench ang papel niya sa Air21, ngunit ma-laki ang ibinibigay niyang tulong bilang lead man ng Air21 second group. Sa kanilang mga huling laro, madalas kasama rin siya sa tumatapos ng laro.
Sa kasalukuyang Air21-San Mig Coffee semis series, siya ang sagot ng Air21 sa enerhiyang dala ni Marc Pingris para sa San Mig Coffee.