MANILA, Philippines - Iginupo nina flyweight Ian Clark Bautista, bantamweight Mario Fernandez at women’s lightweight Nesthy Petecio ang kani-kanilang mga kalaban sa semifinals nitong Miyerkules ng gabi upang makakuha ng championship slots sa Sri Lanka Lion’s Cup.
Surpresang nakuntento sa bronze medal ang isa sa paboritong si Eumir Felix Marcial matapos yumukod kay Kenyan Okwin Raytow Nduku sa pamamagitan ng unanimous decision na hindi nagustuhan ni team manager and head coach Pat Gaspi.
“Eumir definitely won the first two rounds and even if the Kenyan got wise to Marcial’s injury (Maga ang kanyang mukha nang aksidenteng tumama sa kalaban kamakalawa), we think he still deserved the decision,†sabi ni Gaspi. “It didn’t help that the referee, the same one who slapped a warning and point deduction on Irish Magno on the first day, also penalized Marcial in the closing seconds of the fight.â€
Nanalo naman si Bautista kay Sri Lankan PD Suresh at susunod niyang kalaban si Anuruda Rathnayake ng host country sa finals. Sumandal naman si Air Force man Fernandez sa kanyang bilis sa ring para sa unanimous decision win laban kay Manju Wanniarchchi ng Sri Lanka. Lalaban siya ngayon para sa gold medal kontra kay Yu Che-Li ng Chinese Taipei.
Ang 21-gulang na si Petecio ay nanalo kay Chia Ling Chen ng Chinese-Taipei at susunod niyang kalaban ang kanyang nemesis na si Tassamalee Thongjan ng Thailand.