D’Antoni nagbitiw bilang Lakers Coach

LOS ANGELES – Nagbitiw si Los Angeles La-kers coach Mike D’Antoni, bagama’t hindi pa niya nakukumpleto ang dalawang season sa team.

Kinumpirma ni team spokesman John Black ang pagre-resign ni D’Antoni na tumapos ng kanyang maikling pananatili bilang ikaapat na head coach ng Lakers, sa halos tatlong taon pa lamang.

Si D’Antoni ay may 67-87 record matapos hawakan ang Lakers sa kaagahan ng 2012-13 season nang kanyang palitan ang sinibak na si Mike Brown na tumagal lang ng 71 games matapos halilihan  ang nagretirong si 11-time NBA champion coach Phil Jackson noong 2011.

Dahil madalas wala ang mga may injury na sina Kobe Bryant, Steve Nash at Pau Gasol, ang 16-time NBA champion franchise ay hindi nakapasok sa playoffs sa unang pagkakataon sa loob ng 9-seasons.

 

Show comments