Petron ladies beach volleyball

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Pangasinense spiker na si Melanie Carrera para kumampanya sa 2014 Petron Ladies Beach Volleyball tournament sa beachfront ng provincial capitol grounds sa Lingayen.

Bago ang kanyang magiging partner na si Juvelyn Castillo sa pagsisimula ng aksiyon ngayon.

Sa huling kampanya ni Carrera ay si Cassandra Lleda pa ang partner niya at nakipagtagisan sila sa University of the East spikers na sina Leuseth Dawis at Sarmiento tungo sa  21-18, 22-20 panalo  para sa titulo.

Sa pagkakataong ito, makakasama nina Carrera at Castillo ang apat pang local teams sa pagharap sa lima pang teams mula sa Metro Manila.

“The players from Pangasinan and from Northern Luzon have improved. Now there are more of them participa-ting,” sabi ni organizer Tisha Abundo, na iprinisinta ang mga participants sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate nitong Martes.

Inaasahang hindi magiging madali ang kampan-ya nina Carrera at Castillo sa torneong ito na suportado ng provincial government ng Pangasinan, Congressman Leopoldo Bataoil at Mikasa Balls.

Palaban din ang  Viray twins na sina Nieza at Jeziela ng Pangasinan State University gayundin ang mga local entries na sina Marife Diaz at Marjoy Marcellones ng University of Lingayen, Team Linga-yen at  Team Baguio.

Show comments