MANILA, Philippines - Dadalo ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao bilang isa sa mga panauhin sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Mayo 5 sa Laguna Sports Complex.
“Nakausap ko na si Congressman Manny at adopted son ng Laguna at dadalo siya sa opening ce-remony,†pahayag ni Laguna Governor Jeorge “ER†Ejercito sa pulong pambalitaan kahapon sa SM Calamba activity center.
Magbibigay ng pa-nanalita si Pacquiao at siyang magsisindi sa torch katuwang ang mga tini-tingala rin sa palakasan na sina Sochi Olympian Michael Martinez, Palaro veteran at ngayon ay TV personality Enchong Dee, PBA superstar James Yap at ang anak ng gobernador na team captain ng La Salle athletics team na si Jericho Ejercito.
Ang dating Pangulo at ngayon ay Alkalde ng Maynila at tiyuhin ni Ejercito na si Joseph Estrada ay dadalo rin sa seremonya na magsisimula sa ganap na ikawalo ng umaga.
Pinaghahandaan nang husto ng Laguna ang hosting dahil unang pagkakataon ito na gagawin sa kanilang probinsya.
Mahigit na 10,000 manlalaro, coaches at opis-yales mula sa 17 rehiyon ang dadalo sa kompetis-yong bukas para sa mga mag-aaral sa elementary at high school. (AT)