Jordan galit kay Sterling
CHARLOTTE, N.C. – Sinabi ni Michael Jordan na hindi niya nagustuhan ang racist comments ni Los Angeles Clippers owner Donald Sterling.
Nagpalabas si Jordan, may-ari na ngayon ng Charlotte Bobcats, ng statement nitong Linggo ukol sa nasabing isyu.
Sinabi niyang bilang owner, “I’m completely disgusted that a fellow team owner could hold such sickening and offensive views.â€
Bilang dating player, ani Jordan, “I’m completely outraged.â€
Isang audio recording ang nakuha ng TMZ na diumano’y boses ni Sterling na nagsalita ng racist comments sa kanyang girlfriend, kung saan bahagi nito ay sinabihan niyang huwag isama ang kanyang mga ‘black friends’ sa Clippers games. Iniimbestigahan na ng NBA at ng Clippers ang naturang voice record kabilang ang pagpapatunay na kay Sterling nga talaga ang boses.
Sinabi ni Jordan na kumpiyansa siyang iimbestigahan ni NBA Commissioner Adam Silver ang isyu at agad niya itong aaksiyunan.
“There is no room in the NBA - or anywhere else - for the kind of racism and hatred that Mr. Sterling allegedly expressed,†ani Jordan. “I am appalled that this type of ignorance still exists within our country and at the highest levels of our sport. In a league where the majority of players are African-American, we cannot and must not tolerate discrimination at any level.â€
- Latest