ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week

Asi Taulava (16.5 pts, 8.5 rebs, 1.5 blk.)

Sean Anthony (21.5 pts, 9.5 rbs, 2.5 stls.)

 

MANILA, Philippines - Sa kanilang quarterfinals match up ng Air21 ay naging ‘tinik sa lalamunan’ ng San Miguel Beer sina Asi Taulava at forward Sean Anthony.

Sina Taulava at Anthony ang nagdala sa Express sa dalawang sunod na panalo upang sibakin ang Beermen, tumayong No. 2 at nagtaglay ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, para sa kanilang unang semifinals stint sa 2014 PBA Commissioner’s Cup.

Kaya naman hinirang sina Taulava at Anthony bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Abril 21-26.

Nagposte ang 40-anyos na one-time PBA MVP na si Taulava ng mga averages na 16.5 points, 8.5 rebounds at 1.5 blocks, habang nagkarga naman ang 6’4 na si Anthony ng career-best na 21.5 points, 9.5 rebounds at 2.5 steals sa kanilang dalawang laro sa quarterfinals.

Hindi nakapaglaro ang Fil-Canadian na si Anthony sa unang anim na laban ng Express dahil sa kanyang hand injury.

Sinabi ng Fil-Tongan na si Taulava na naglaro siya sa quarterfinals nang walang ‘pressure’ na dinadala sa kanyang mga balikat.

“It was just another team we had to go through if we wanted two make it to the semis. Our team is very focused and hungry,” sabi ng three-time PBA Mythical First Team member.

Nagbida sina Taulava at Anthony sa 92-79 at 101-95 double overtime wins ng Air21 kontra sa San Miguel Beer sa quarterfinals para itakda ang kanilang best-of-five semifinals series ng San Mig Coffee.

 

Show comments