Kalingang Tempra-Mother’s Day Treat

MANILA, Philippines - Bibigyang pagpapahalaga ng Tempra sa pakikipagtulungan sa Subterranean Ideas ang mga ulirang ina sa pamamagitan ng isang araw ng katuwaan sa May 11 sa Charito Planas Garden sa Quezon City Memorial Circle.

Tinawag na Kalingang Tempra-Mother’s Day Treat, ito ay para sa mg Filipinang Ina at sa kanilang mga anak.

Iba’t-ibang palaro at fun booths ang naghihintay sa mga Nanay kasama ang kanilang mga anak tulad ng Trip na Trip Contest, Spin a win-8, clown booth, magic treats, balloon twisting, unlimited face painting (kids at adults), Tempra photo booth (photo opportunity kasama si Dr. T), Pachinco at iba pang games tulad ng Tempra Hold Your Breath Contest, Tempra Find the Fruit Game (parang Easter Egg Hunt) at marami pang iba.

“For decades, Tempra has been synonymous with a mother’s love for her children, especially when they are sick. It has always been the preferred medicine of choice by parents when their kids suffer from flu and fever because it is safe and effective. Our Mother’s Day event is our way of thanking Filipino mothers,” sabi ni Cleo Roda Nodado, Marketing Manager-Taisho Pharmaceutical, Inc.

Libre ang entrance sa Subterranean Ideas-Tempra event  ngunit kailangang magdala ang mga nais sumali ng  dalawang empty boxes ng Tempra/Ceetrus (any variant at combination) at ipakita sa registration booth sa Planas Garden entrance. Ang isang valid registration ay may isang booklet.

Kung Tempra tablet ang ipapakita sa registration, dapat ay isang banig ito para makakuha ng booklet. Tanging mga booklet holders lamang ang makakapag-claim ng giveaways mula sa Tempra at makakasali sa mga palaro at activities. Ang ibang mga privileges (photo booth) na nakasaad sa booklet ay first-come, first-served, limited basis.

Mas maraming empty boxes/blister packs ay mas maraming tsansang manalo sa grand raffle. Kaila-ngang isulat ng mga participants ang kanilang pa-ngalan at contact sa empty boxes/blister packs para sa raffle kung saan iba’t ibang gift items/packs mula sa Tempra ang mapapanalunan.

Ang mga walang booklet ay magiging audience lamang ngunit may ilan na puwede silang sumali.

Ang mga event booklets ay maaaring i-claim sa Charito Planas Garden sa May 3, 4 at 10 o sa araw mismo ng event.

 

Show comments