MANILA, Philippines - Aangat pa ang Big Chill Superchargers at nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite mula sa ibang koponan na naghahabol ng puwesto sa susunod na round sa PBA D-League Foundation Cup na magdaraos ng laro ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Kalaro ng Superchargers ang wala pang panalong Derulo Accelero Oilers sa unang asignatura sa ganap na ika-12 ng tanghali at sasandalan ng tropa ni coach Robert Sison ang 68-54 panalo sa Café France Ba-kers sa huling labanan na tumapos sa tatlong dikit na kabiguan.
Mahalaga para kay Sison ang ipakikita ng kanyang mga bataan dahil itinuturing niya na do-or-die game ang nalalabing tatlong laro dahil wala pang koponan ang opisyal na natatanggal para sa anim na puwesto na magpapatuloy ng laban sa quarterfinals.
“I think we’re peaking at the right time. Hopefully, the win will further boost our confidence,†pahayag ni Sison.
May anim na sunod na talo na ang Oilers at hindi dapat na isantabi ang kakayahan ng koponan na makasilat dahil muntik na nila itong nagawa kontra sa Blackwater Sports (93-96) at Cagayan Valley Rising Suns (74-76).
Ang Elite ay mapapalaban sa Rising Suns sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon at hanap na maisulong sa apat ang winning streak.
Sakaling manalo pa, aakyat ang tropa ni coach Leo Isaac para makasalo ang pahingang Jumbo Plastic (4-2) sa pangatlong puwesto.
“The players are in top condition. But their mental toughness will be tested in the coming games,†ayon kay Isaac.
May dalawang panalo lamang matapos ang anim na laro ang Ri-sing Suns at dapat ding makuha ang winning form para hindi agad matanggal sa liga.