MANILA, Philippines - Binigyan ng kabayong Pag Asa ang mga dehadista na umuwi bitbit ang magandang premyo nang manalo sa nilahukang karera noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Hindi ininda ng kabayong sakay si GM Mejico ang pagkakalapag sa ika-sampung puwesto sa 14 na nagÂlaban papasok sa rekta nang nakagawa ng daanan ang hinete para makaremate ang kabayo.
Malakas din ang pagdating ng pinaborang Work Of Heart ni RM Telles pero hindi nanlamig ang Pag Asa para manalo ng isang kabayo sa Philracom HanÂdicap 3 race sa 1,300-metrong distansya.
Hindi tumimbang sa huling mga takbo kaya’t deÂhaÂdung-dehado ang Pag Asa upang makapaghatid ito ng P237.50 premyo sa win.
Ang pagkatalo ng napaborang Work Of Heart na may dalawang dikit na panalo sa buwan ng Abril sa kaÂrera ay nagpaabot ng mas magandang P7,752.00 diÂbidendo sa 14-9 forecast.
Magtatapos ang anim na araw na karera ngayon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas sa pamamaÂgitan ng 12 karerang pagÂlalabanan.
Isa sa tatakbo ay ang CruÂcis na balak na kunin ang ikalawang panalo saÂpul nang bumalik sa pagtakbo noong nakaraang buÂwan.
Mapapalaban ang hiÂnirang bilang pinakamahusay na imported horse noÂong nakaraang taon daÂhil bukod sa pinatawan ito ng pinakamabigat na handicap weight na 57 kiÂlos ay de-kalidad ang mga makakatunggali sa paÂnguÂnguna ng local horse na El Libertador.
Sa 1,200 metrong kaÂrera gagawin ang special handicap race at ang iba pang susukat sa Crucis na sasakyan ni Jonathan Hernandez ay ang HyeÂna, Mezzanine, Basic InsÂtinct, Sliotar, Ian’s Bet at Born Tycoon.