^

PM Sports

Mga dehadista binigyan ng panalo ng Pag Asa

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binigyan ng kabayong Pag Asa ang mga dehadista na umuwi bitbit ang magandang premyo nang manalo sa nilahukang karera noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Hindi ininda ng kabayong sakay si GM Mejico ang pagkakalapag sa ika-sampung puwesto sa 14 na nag­laban papasok sa rekta nang nakagawa ng daanan ang hinete para makaremate ang kabayo.

Malakas din ang pagdating ng pinaborang Work Of Heart ni RM Telles pero hindi nanlamig ang Pag Asa para manalo ng isang kabayo sa Philracom Han­dicap 3 race sa 1,300-metrong distansya.

Hindi tumimbang sa huling mga takbo kaya’t de­ha­dung-dehado ang Pag Asa upang makapaghatid ito ng P237.50 premyo sa win.

Ang pagkatalo ng napaborang Work Of Heart na may dalawang dikit na panalo sa buwan ng Abril sa ka­rera ay nagpaabot ng mas magandang P7,752.00 di­bidendo sa 14-9 forecast.

Magtatapos ang anim na araw na karera ngayon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas sa pamama­gitan ng 12 karerang pag­lalabanan.

Isa sa tatakbo ay ang Cru­cis na balak na kunin ang ikalawang panalo sa­pul nang bumalik sa pagtakbo noong nakaraang bu­wan.

Mapapalaban ang hi­nirang bilang pinakamahusay na imported horse no­ong nakaraang taon da­hil bukod sa pinatawan ito ng pinakamabigat na handicap weight na 57 ki­los ay de-kalidad ang mga makakatunggali sa pa­ngu­nguna ng local horse na El Libertador.

Sa 1,200 metrong ka­rera gagawin ang special handicap race at ang iba pang susukat sa Crucis na sasakyan ni Jonathan Hernandez ay ang Hye­na, Mezzanine, Basic Ins­tinct, Sliotar, Ian’s Bet at Born  Tycoon.

 

vuukle comment

BASIC INS

EL LIBERTADOR

JONATHAN HERNANDEZ

METRO TURF CLUB

PAG ASA

PHILRACOM HAN

SANTA ANA PARK

SHY

WORK OF HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with