Mepranum nakatakdang hamunin si Estrada para sa WBA/WBO titles

MANILA, Philippines - Hahamunin ni Filipino super flyweight contender Richie Mepranum ng Sarangani Province si unified WBA/WBO super fly­weight champion Juan Fran­cisco Estrada ng Mexico ngayon sa Centro Convenciones sa Puerto Pe­nasco, Sonora, Mexico.

Kapwa tumimbang si­na Estrada (25-2-0, 18 KOs) at Mepranum (27-3-1, 6 KOs) ng 112 pounds sa isinagawang weigh-in.

Ito ang magiging ikalawang title fight ni Mepranum matapos matalo kay Julio Cesar Miranda via fifth-round TKO sa ka­nilang WBO flyweight championship bout noong Hunyo 12, 2010.

Nangako si Mepranum na gagawin niya ang la­hat para maagaw ang mga titulo kay Estrada.

Ibibilang naman ni Estrada si Mepranum sa mga nauna niyang biniktimang Filipino fighters.

Inagaw ni Estrada kay Brian Viloria ang mga su­ot nitong WBA/WBO belts noong Abril 6, 2013 sa Macau, China.

Matagumpay naman ni­ya itong naidepensa kon­tra kay mandatory chal­lenger Mi­lan Melindo no­ong Hulyo 27, 2013 sa Macau.

Sa co-main event ay la­labanan ni John Mark Apo­linario (17-3-3, 4 KOs) ng Sarangani Pro­vince si Hernan Marquez (36-4-0, 26 KOs) sa isang 10-round flyweight non-title bout.

Sa Mexico City, sasagupain naman ni Ranel Su­co (15-7-2, 6 KOs) ng La Trinidad, Benguet si knockout artist Julio Ceja (26-1-0, 24 KOs) ng Tlalnepantla, Mexico para sa WBC bantamweight silver title.

 

Show comments