MANILA, Philippines - Ikaapat na sunod na paÂnalo na maglalagay sa Davao Lady Agilas biÂlang No. 1 team sa kaÂnilang grupo ang hanap niÂla sa pagsukat sa UST TigresÂses sa pagpapatuloy ng ShaÂkey’s V-League Season 11 First Conference ngaÂyon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na alas-2 ng haÂpon ang bakbakan at naÂlalagay ngayon bilang paÂborito ang bagitong koÂpoÂnan na kinalos ang mas beteranang teams na FEU Lady Tamaraws, Perpetual Help Lady Altas at nagdedepensang NaÂtional University Lady Bulldogs sa Group A.
Saluhan ang Arellano Lady Chiefs at Ateneo Lady Eagles ang gagawin ng Adamson Lady FalÂcons sa pagharap sa St. BeÂnilde Lady Blazers sa ikaÂlawang laro sa alas-4 ng hapon.
Pasok na ang dalawang koponan sa quarterÂfinals sa ligang inorgaÂnisa ng Sports Vision kaÂtuwang ang Shakey’s peÂro mahalaga pa rin ang makukuhang panalo paÂra sa kanilang puwesto paÂpasok sa susunod na round.
Nakikitaan ng galing siÂna May Agton, Jocemar TaÂpic, Venus Flores, at Mae Antipuesto kaya’t naÂkadagit agad ng tatlong maÂgagandang panalo ang bisitang koponan.
Tiyak na masusukat muli ang kanilang deterÂminasyon sa TigÂresses ligang may suporta pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Ang bata pero mahusay na si Ennajie Laure ang mangunguna sa pag-atake sa UST pero may maÂaasahan din siyang suÂporta kina Pam LastiÂmosa, Carmela Tunay, MaÂrivic Meneses, Rhea DiÂmaculangan at Jan DuÂsaÂran.