Strong finish sa Kismet
MANILA, Philippines - Nakitaan ng malakas na pagtatapos ang kabaÂyong Kismet para panguÂnahan ang Philracom Special Handicap Race na ginawa noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si RO Niu Jr. ang dumiskarte sa kabayo sa ikalawang sunod na takbo at nahigitan ng hinete ang ikawalong puwestong pagtatapos noong Abril 10 sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Naunang nalagay ang kabayo sa ikalimang puwesto habang ang Seni Seviyorum at Mr. Tatler ang maagang naglaban sa liderato.
Lamang na ang Mr. Tatler ni JB Cordova pagpasok sa kalagitnaan ng 1,300-metro karera habang naghahabol naman ang Kismet bukod sa Flying Honor sa pagdaala ni RM Ubaldo at paborito sa siyam na kabayong nagsukatan.
Nasa labas ang Kismet pagpasok sa rekta at nagamit ni Niu ang maluwag na daanan para kunin na ang liderato ng karera.
Hindi na naawat pa ang Kismet para sa dalawang dipang panalo sa Flying Honor.
Lumabas ang Kismet bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa unang gabi sa pista ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) nang maghatid ang win ng P89.50. Ang 4-5 dehadong forecast ay mayroong P1,085.00 dibidendo.
Nakuha ng kabayong Panamao King ang ikalawang panalo sa apat na takbo habang ang Red Dragon ang lumabas bilang patok na kabayo sa walong karerang pinaglabanan.
Rumemate ang PanaÂmao King sa pagdiskarte ni AM Tancioco sa pagpasok sa far turn para maalpasan ang naunang lumayo na Kristal’s Beauty ni Cordova.
Naubos ang Kristal’s Beauty nang maagang pakaÂwalan ni Cordova ang kabayo para kapusin ng isang kabayo sa nanalong Panamao King.
Ang Queen Quaker na hawak ni Jonathan Hernandez at paborito sa karera ay malamig at nalagay lamang sa ikalimang puwesto.
Nasa P32.00 ang ibiÂnigay pa sa win habang P133.50 naman ang ipinaÂmahagi sa forecast.
Positibo ang pagbabalik ng Red Dragon sa pagrenda ni Pat Dilema nang magwagi ang tambalan sa Philracom 3YO race sa maigsing 1,200-metro.
Unang panalo ito ng kabayo sa buwan ng Abril at nakabawi matapos pumang-walo sa huling takbo sa paggabay ni SG Vacal.
Pumangalawa ang Papa Joe at umabot pa sa P14.50 ang 4-5 forecast matapos ang balik-taya sa win (P5.00) (AT).
- Latest