Air21 Express pasok sa semis

MANILA, Philippines - Inangkin ng No. 7 Air21 ang ikalawang semifinals seat matapos gibain ang No. 2 San Miguel Beer via double overtime, 101-95, sa kanilang ‘do-or-die’ match sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Express mula sa 70-81 agwat sa huling 2:04 ng fourth quarter para talunin ang Beermen, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Kumamada si Asi Ta­ulava ng 5 sa kanyang 16 points sa ikalawang overtime para sa 95-90 abante ng Air21 sa huling 2:32 minuto.

Tumapos si import Wesley Withersppon na may 26 points.

Lalabanan ng tropa ni coach Franz Pumaren ang mananalo sa serye ng nagdedepensang Alaska at San Mig Coffee sa best-of-five semifinals series.

Magtatagpo ang Aces at ang Mixers ngayong alas-5:45 ng hapon matapos ang salpukan ng Rain or Shine at Meralco sa alas-2:45 sa Big Dome.

Ang mananalo sa serye ng Rain or Shine at Meralco ang makakasagupa ng Talk ‘N Text sa isa pang best-of-five semifinals series. (Russell Cacadyona)

AIR21 101 - Wither­spoon 26, Anthony 18, Taulava 16, Yeo 11, Villanueva 8, Ramos 8, Cardona 8, Poligrates 5, Borboran 1, Burtscher 0, Menor 0.

San Miguel Beer 95 - Jones 23, Fajardo 20, Ross 18, Santos 16, Lassiter 12, Hubalde 2, Lutz 2, Mercado 2, Maierhofer 0, Tubid 0, Lanete 0, Kramer 0.

Quarterscores: 21-17; 40-43; 56-65; 82-82; 88-88 (1OT), 101-95 (2OT)

Show comments