MIAMI -- Sumalaksak si LeBron James sa unti-unting pagkaubos ng oras na nagresulta sa hard foul sa kanya ni Josh McRoberts.
Ilang segundo siyang naupo sa sahig at bumangon.
Ito rin ang ginawa ng Miami Heat matapos tanggapin ang matinding hamon ng Charlotte Bobcats at nakalusot.
Nagtala si James ng 32 points at 8 assists, habang may 20 markers si Chris Bosh para banderahan ang Heat sa 101-97 panalo kontra sa Bobcats 101-97 at kuÂnin ang 2-0 abante sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Nag-ambag naman si Dwyane Wade ng 15 points at may isang steal sa huling mga segundo para selyuhan ang tagumpay ng Miami.
Tinapik niya ang bola kay Chris Douglas-Roberts ng Charlotte na hangad makatabla mula sa three-point deficit sa huling tatlong segundo.
Tumipa si Michael Kidd-Gilchrist ng 22 points paÂra sa Bobcats, nakakuha ng 18 points at 13 rebounds kay Al Jefferson na naglaro ng may left plantar fascia strain.
Sa Houston, kumayod si Aldridge ng 43 points paÂra ihatid ang Portland Trail Blazers sa 112-105 panaÂlo laban sa Rockets at sikwatin ang 2-0 bentahe sa kaÂnilang serye.
Si Aldridge ang naging unang player na umiskor ng magkasunod na 43 points sa playoffs matapos si TraÂcy McGrady noong Abril 2003.
Sa San Antonio, umiskor ang eighth-seeded na DalÂÂlas Mavericks ng 113-92 panalo kontra sa San AnÂtoÂnio Spurs para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
Tumipa si Monta Ellis ng 21 points.