MANILA, Philippines - Napanumbalik ni jockey LC Lunar ang lakas ng Batingaw upang manalo sa idinaos na karera noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sa 1,400-metro inilagay ang distansya sa class division 1-A karera at agad na kinuha ng Batingaw ang liderato habang humabol ang Humble Pie at pumaÂngatlo ang Louie Alexa.
Ganito ang puwesto hanggang sapitin ang far turn at tila napagod na ang apat na taong colt.
Nasa balya ang Humble Pie na dinisÂkartehan ni JL Paano kaya pagpasok ng rekta ay nakauna ito at lumayo pa ng halos isang dipa.
Ginamitan ni Lunar ng latigo ang kabayong anak ng Warrior Song sa Tambuli upang mag-init uli. Sa huling 25-metro nabalik ang liderato sa Batingaw para maunang tumawid sa meta.
Kinapos ang malakas ding pagdating ng napaboran sa 12 kabayong karera na Louie Alexa sa pagdadala ni AR Villegas upang malagay sa pangaÂlawang puwesto na napag-iwanan ng isang ulo habang ang Humble Pie ay kinapos ng kalahating katawan sa Louie Alexa tungo sa pangatlong puwesto.
Lumabas ang BatiÂngaw bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa gabi nang maghatid ito ng P47.00 dibidendo sa win habang ang 5-4 forecast ay mayroong P220.00 na ipinamahagi.
Pinangatawanan ng kabayong Matapat ang pagiging paboritong kabayo na nanalo sa gabi habang nagpasiklab din ang Hot And Spicy sa nilahukang karera.
Si EL Blancaflor ang may hawak sa Matapat na kumarera sa unang pagkakataon sa taong 2014 at hindi nabigo ang mga nanalig sa husay ng kabayo nang manalo sa class division 1C race.
Naisantabi ng anim na taong kabayo na may lahing Interrogate at Sweet Conquest ang panlulutsa ng Oh So Discreet para makumpleto ang banderang-tapos na panalo sa karera.
Balik-taya na P5.00 ang ibinigay sa win habang ang 8-3 forecast ay mayroong P10.50 dibidendo.
Nakatikim din uli ng panalo ang Hot And Spicy sa pagdadala ni Mark Alvarez nang paÂngunahan ang Philracom Summer Racing Festival.
Napagtiyagaan ni Alvarez na habulin ang naunang lumayong Divine na tumakbo kasama ang coupled entry na Dy San Diego.
Dumikit ang second choice sa karera sa isang dipa sa rekta at sa pagpasok ng huling 75-metro ay humarurot ito para sa halos dalawang dipang panalo sa Divine.
Huling nanalo ang Hot And Spicy noon pang Pebrero, ang win ay may P10.50 habang nasa P144.50 ang nadehadong 6-4 forecast. (AT)