PBAPC Summer Workshop

MANILA, Philippines - Idaraos ngayon ng PBA Press Corps ang ka­u­­na-unahan nitong Summer Journa­lism Workshop sa pakiki­pagtulungan sa Meralco sa Seminar Hall (Tech Services Bldg), Me­ralco compound, Ortigas Ave. sa Pasig City.

Kabuuang 60 estud­yante mula sa Polytechnic Uni­versity of The Philippines-Sta. Mesa, EARIST at Universidad de Manila (UDM) ang makikibaha­gi sa naturang day-long sum­mer work­shop.

Si PBA Season 39 chair­man Ramon Seguis­mundo ng Meralco ang si­yang magbibigay ng ope­ning remarks sa seminar.

Pamumunuan ni da­ting  PBA Press Corps pre­­sident Musong Castil­lo ng Philippine Daily In­quirer ang listahan ng mga speakers sa naturang se­­minar.

Hinihimok ni president Barry Pascua ng Bandera ang mga opis­yales at miyembro ng PBA Press Corps na dumalo.

Show comments