MANILA, Philippines - Hindi matiis ni 2012 PBA Most Valuable PlaÂyer Mark Caguioa na hinÂdi maibulalas ang kanÂyang nararamdaman sa mga kakampi niya sa Barangay Ginebra.
Matapos masibak ang Gin Kings mula sa 84-97 pagyukod sa semifinaÂlist na Talk ‘N Text Tropang TexÂters sa quarterfiÂnal round ng 2014 PBA ComÂmisÂsioner’s Cup noÂong Martes ay idinaan ni Caguioa ang kanÂyang pagÂkadismaya sa pamamagitan ng Twitter.
“Dati rati kinakatakuÂtan itong team nato at iniilagan pero ngayon lahat ng team gusto kami kalaban ksi mga tamad and sobrang lalambot,†ani CaÂguioa sa kanyang Twitter account na @official MC47.
Tumapos ang Ginebra na may 3-7 win-loss record.
Sa naturang kabiguan sa Talk ‘N Text, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 1 team, ay tumipa ang 13-year veÂteran ng team-high na 18 points mula sa kanyang 9-of-13 fieldgoal shooÂting.
Ikinumpara ni Caguioa ang mga Ginebra plaÂyers ngayon kumpara sa koponan ni ‘Living LeÂgend’ RoÂbert Jaworski, Sr.
Ilan sa mga binigyang-halaga ni Caguioa ay sina RuÂdy Distrito, Bal David, Noli Locsin at Pido Jarencio, ang coach ngayon ng Globalport.
“Kilala ba nila si Coach Sonny? Noli LocÂsin? Pido? Bal david? Rudy Distrito? Itong mga plaÂyer nato makikipag paÂlitan talaga ng mukha,†ani Caguioa.
“Parang ito na yung mga player ngayon na parang hindi nila alam ang history ng GINEBRA. I dnt think they knw ksi parang walang mga pake,†sabi pa ng 34-anyos na three-time Best Player of the Conference awarÂdee.