MANILA, Philippines - Inangkin ng College of St. Benilde ang puwesto sa quarterfinal round, habang ang bagitong DaÂvao Agilas ay lumapit sa isang panalo sa quarters sa Shakey’s V-League SeaÂson 11 First ConfeÂrence kahapon sa The AreÂna sa San Juan City.
Sa third set lamang napalaban ang Lady Blazers kontra sa St. Louis Lady Navigators.
Pero sapat pa rin ang angking husay ng St. Benilde para maÂkumÂpleto ang 25-13, 25-14, 25-20 straight sets victory laban sa St. Louis.
Ito ang ikalawang paÂnalo sa apat na laro ng Lady Blazers upang samaÂhan ang Arellano LaÂdy Chiefs, Adamson LaÂdy Falcons at Ateneo LaÂdy Eagles, ang nagreyna sa UAAP, na umabante sa quarterfinals sa Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Napatalsik na ang St. Louis sa pagkakalasap ng ikaapat na sunod na kaÂbiguan nito at nasayang ang hinawakang 20-19 kaÂlamangan sa third set dahil sa magkakasunod na errors na nagbigay ng liÂmang sunod na puntos sa katunggali.
Naipakita naman ng Lady AgiÂlas ang tibay ng dibdib matapos daigin ang NCAA champion na Perpetual Help Lady Altas sa deciding fifth set paÂra sa kanilang ikalaÂwang sunod na panalo sa 23-25, 24-26, 25-18, 25-20, 17-15 tagumpay.
Nakatiyak na ng playoff ang Davao at kailaÂngan na lamang nila na maÂipanalo ang isa sa huÂling tatlong laro upang umabante sa susunod na yugto ng kompetisyon sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Popormalisahin ng LaÂÂdy Agilas ang pagpaÂsok sa quarterfinals sa pagÂÂsabak sa nagdedepenÂsang Lady Bulldogs bukas.
Sina May Shiel Agton at Venus Flores ay may 21 at 20 puntos at naghati sa 40 kills para ibigay sa Lady Altas ang ikaapat na sunod na kabiguan tungo sa pamamaalam sa 12 koÂpoÂnang liga.