Galedo umeksena para angkinin ang Stage Two, Joven malaki ang naitulong
CABANATUAN CITY, Philippines - Ang araw ay para sa mga PiÂnoy sa pagbibida ni Mark John Lexter Galedo ng Team 7-Eleven na nakakuha ng suporta sa kasamang si Chris Joven upang angkinin ang 170-km Olongapo City to Cabatuan City Stage 2 ng Le Tour de Filipinas kahapon dito.
Bagama’t hindi nabigyan ng tubig sa huling 20 kiÂloÂmetro ng kanyang team vehicle na naipit sa likuran ng karera, nakatikim ng stage win sa Le Tour ang two-time local tour champion na si Galedo dahil sa tuÂlong ni Joven na siya namang naging third-placer.
Tinawid ng national team member na si Galedo ang finish line sa tiyempong apat na oras at 14.34 seÂgundo at may 47 segundong distansiya sa pumangaÂlawang si Sungbaek Park ng KSPO, ang continental team ng South Korea.
“Wala nang dumating na tubig. Naghanda na lang kaÂmi sa suklian (paghabol sa mga kumakawala) dahil meÂron pa namang tubig kaso sa init ng araw, mahirap na inumin,†kuwento ng 28-gulang na si Galedo.
“Inisip ko na lang na kailangang manalo kami dito lalo na ang mga Pilipino, kaya pinaghandaan namin ang suklian na mangyayari last 15,†dagdag pa nito.
Nakuntento naman si Joven sa third-place finish nguÂnit malaki ang kanyang naging tulong sa panalo ni Galedo na umakyat na sa ikatlong puwesto sa indiÂvidual general classification matapos ang 31st place finish sa stage 1.
“Last 300 meters, sampung riders kami. Pinauna ko sila para magtuluy-tuloy si Mark. Ang team tactic kaÂsi, para bumagal (ang mga kalaban), sunod lang ako. Ang ginawa ko na lang ay i-delay ang paghabol para luÂmayo (si Galedo),†kuwento ni Joven.
Inagaw ng Singaporean na si Choon Huat ng ConÂtinental team na TSI ang yellow jersey sa Stage 1 winner na si Eric Timothy Sheppard.
Magpapatuloy ang 4-day UCI sanctioned race sa Stage Three ngayon sa pamamagitan ng 146.6 kms. Cabanatuan City to Bayombong, Nueva Viscaya.
Ang huling Stage 4 bukas ay ang akyating 134-km Stage Bayombong to Burnham Park sa Baguio City.
- Latest