6th win target ng NLEX sa pagsagupa sa Derulo

MANILA, Philippines - Magtutuos ang nasa itaas ng team standings na NLEX Road Warriors at ang nangungulelat na De­rulo Accelero Oilers sa pagbabalik ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May limang sunod na panalo ang Road Warriors at masasabing wala pang na­kakatapat ang multi-titled team dahil ang ka­nilang winning margin ay nasa 18 puntos kada laro.

Inaasahang wala ring magiging problema ang NLEX sa paglista sa ikaanim na sunod na pa­na­lo kontra sa Derulo sa alas-2 ng hapong ta­gisan dahil hindi pa nananalo ang katunggali matapos ang limang laro.

Bago ito ay mag-u­u­nahan ang Big Chill Superchargers at ang Bo­racay Rum Waves sa pag­tudla ng ikatlong pana­lo matapos ang limang laro sa tapatan sa alas-12 ng tanghali, habang pagsisikapan ng Cebuana Lhuillier Gems ang masolong muli ang ikalawang puwesto sa pagbangga sa Café France sa alas-4 ng hapon.

Matapos manalo sa unang dalawang laro ay dumapa ang Superchar­gers sa kamay ng Blackwater Elite Sports at Gems para bumaba mula sa itaas tungo sa pakikisalo sa ikaapat hanggang ikapitong puwesto.

Ang isang linggong pa­hinga ay inaasahang ma­kakatulong para bu­malik ang sigla ng kopo­nan dahil magtatangka ang Waves na bumalikwas agad matapos dumapa sa Hog’s Breath Café Razorbacks.

 

Show comments