MANILA, Philippines - Pagtutulungan nina BaÂÂler Ravina at Santy BarÂnachea na bigyan ng kaÂrangalan ang mga Pinoy sa pagÂlarga ng 4-stage Le Tour de Filipinas ngaÂyon.
Sisimulan ang karerang kinikilala ng InternaÂtional Cycling Union (UCI) ng 160-kilometer Clark to Olongapo City Stage 1.
“Gagawin ko ang laÂhat para manalo uli. PiÂnaghandaan namin ng team ko ang Le Tour,†pahayag ng tubong AsiÂngan, Pangasinan na si RaÂvina ng continental team na 7-Eleven Road Bike PhiÂlippines kung saÂan kasama niya si two-time local Tour champion Mark Galedo.
Palaban din si Barnachea ng Philippine Navy-Standard Insurance, isa ring two-time winner ng local Tour.
“Handa na kami at ibiÂÂbigay namin ang lahat paÂra talunin ang mga foÂreigners,†ani Barnachea.
Kabuuang 15-teams, 13-foreign at 2 local squads ang maglalaban-laÂÂban sa karerang ito na suportado ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron, Victory LiÂÂner at M. Lhuillier na biÂnubuo ng tig-5 riders.
Siyam sa foreign teams ay mga Cycling Union continental (proÂfesÂÂsional) squads na Aisan Racing Team at Team Uyko ng Japan, KSPO Cycling Team ng KoÂrea, PT Pegasus Cycling Team ng Indonesia, TerenggaÂnu Cycling Team ng Malaysia, CCN Cycling Team ng Brunei, OCBC Cycling Team ng Singapore, Polygon Sweet Nice ng Ireland at Tabriz Shahrdari Ranking ng Iran bukod pa sa mga club teams naman ng Atilla Cycling Club ng Mongolia, Satalyst Giant Racing Team ng Australia at Track Team Astana ng Kazakhstan habang ang United Arab Emirates ay nagpadala ng kanilang national squad.
Si PhilCycling chairman Alberto Lina, kiniÂkilalang godfather ng PhiÂlippine cycling, ang magÂÂpapakawala ng mga riders sa karera sa harap ng OxÂford Hotel sa ganap na alas-8:30 ng umaga ng karerang may akyatin sa Dinalupihan sa Bataan at sa loob ng Subic Bay Metropolitan AuthoriÂty kasama ang kanyang asaÂwang si Sylvia Lina, kaÂsama si 2014 organizer at president ng presentor na Air21 na si Jerry Jara; Donna Lina Flavier, head ng co-organizer Ube Media; Clark Development Corp. chairman Atty. Arthur Tugade; at PhilCycling secretary General Atty. Billy Sumague.
Ang finish line ay sa haÂrap ng Olongapo NatioÂnal High School.
Ang Stage Two bukas ay 170-km Olongapo CiÂty to Cabanatuan City.
Ang Stage Three sa Miyerkules ay 146.6 kms Cabanatuan City to BaÂyombong, Nueva VisÂcaya, samantalang ang Stage 4 na itinakda sa HuÂÂÂwebes ay ang 134-km Stage BayomÂbong to Burnham Park sa Baguio CiÂty.