^

PM Sports

Unang tagumpay sa 2014 nakuha ng Papaplsdontflirt

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Papaplsdontflirt ang unang panalo sa taong 2014 nang dominahin ang 3YO Maiden-1 ABC race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Maganda ang kondisyon ng kabayong diniskartehan ni JF Paroginog na nasalang sa isang barrier race noong Abril 9 at pumangatlo sa karera.

Ang tagisan ay pinaglabanan sa 1,100-metro distansya at tumakbo ang nanalong kabayo kasama ang coupled entry YYY Delayla ni Dar De Ocampo.

Itinalaga ang dalawang kabayo bilang paborito sa pitong naglaban at hindi naman napahiya ang Papa­plsdontflirt na humarurot sa huling 50-metro ng karera matapos gamitan ng latigo.

Naunang lumayo ang Attila at nagtala ito ng halos tat­long dipang layo sa katunggali.

Sa rekta ay ganito pa rin ang distansya ng kabayo pero mainit na ang Papa­plsdontflirt tu­ngo sa ma­lakas na pagda­ting.

Ang panalo ay nagkahalaga rin ng P10,000.00 na ibinigay ng nagtagu­yod ng karera na Philippine Racing Commission (Philracom).

Nag-abot pa ang win ng Papaplsdontflirt ng P8.50 at ang 1-5 forecast ay may P24.50 dibidendo.

May 13 karera ang pag­lalabanan sa pagpapa­tuloy ng karera ngayon sa pista na pag-aari ng Phi­lip­pine Racing Club Inc. at bukas ay may wa­long ka­rera.

 

vuukle comment

ABRIL

CAVITE

DAR DE OCAMPO

DELAYLA

PAPAPLSDONTFLIRT

PHILIPPINE RACING COMMISSION

RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with