OCA aligaga sa paghahanap ng host ng 2019 Asiad

SINGAPORE -- Ali­gaga ngayon ang Olympic Council of Asia sa pag­hahanap ng mamama­hala sa 2019 Asian Games matapos umatras ang Vietnam dahil sa ka­ka­pusan sa pondo.

Ito ang sinabi ni In­ter­national Olympic Com­­mit­tee (OCA) vice pre­sident Ng Ser Miang, ngu­nit sinabing hindi op­syon bilang host ang Singa­pore.

Inihayag ng Vietnam ang kanilang pag-atras sa pangangasiwa sa 2019 Asian Games sa Hanoi bu­nga ng kakulangan sa pa­nahon at pondo.

Pamamahalaan naman ng Singapore ang Southeast Asian Games sa susunod na taon sa ha­nay ng 11 Southeast Asian countries sa kanilang $1-billion sports hub.

“With the process of selecting a city and preparing the city for the Games, time is of essence as we are only five years away,” wika ni Ng.

Nauna nang ibinigay sa Vietnam ang panga­nga­siwa sa 2019 Asian Games noong 2012.

Show comments