Jockey Pat Dilema ibinangon ang Limit Less
MANILA, Philippines - Sinandalan ng kabayong Limit Less ang malakas na panimula para makasama sa mga nanalo sa pista sa Metro Turf noong Martes ng gabi sa Malvar, Batangas.
Si Pat Dilema ang dumiskarte sa nasabing kabayo na nadehado dahil nabigo ang Limit Less na mapangunahan ang huling karerang nilahukan kahit napaboran sa laban.
Nadehado sa pagkakataon ang nasabing kabayo pero maganda ang pagrenda ni Dilema para sa di inaaÂsahang dominanteng panalo.
Sa pagbukas ng aparato ay umaÂlagwa agad ang Limit Less at mula rito ay naging follow-the-leader na ang 3-Year Old Maiden na inilagay sa 1,000-metro distansya.
Sa ganda ng kondisyon ng LiÂmit Less ay iniwan niya ang mga naghahabol ng halos pitong dipa para maibulsa rin ang P10,000.00 premyo na handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).
- Latest